Thursday, August 30, 2018

AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan


Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon, umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan.
Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang.
Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig – habang siya ay walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kanyang Ate Anne at mga magulang…
Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon.
“Balang araw, Jack,” sabi sa kanya ni Ambo noong nakaraang araw, “aakyatin natin iyan, hanggang doon sa ituktok, hanggang doon sa mga ulap!”
Lumukso ang kanyang puso sa sinabing iyon ni Ambo.
“Hoy, di maaaring di ako kasama!” sabad ni Anne, ang matandang kapatid ni Jack.
“Tayong lahat, aakyatin natin ang mga ulap sa Halcon!” wika ni Ambo.
Si Ambo ay isang batang Mangyan. Siya ang matalik na kaibigan ng dalawang tagaMaynilang si Jack at si Anne.
Ngayong umagang ito, parang mabigat ang dibdib ni Jack. Hindi mapawi sa isipan ang kanyang napanaginipan.
“Naku, daddy, mommy, para pong totoong-totoo! Para nga akong humihingal pa sa pagod paggising ko….,” bulalas ni Jack nang sila’y nag-aagahan na.
“Para namang disaster movie ang panaginip mo!” tudyo ni Anne. “’Yan kasi, palibhasa’y walang mapagpuyatang video dito sa Mindoro, midnight snack naman ang napagtripan, naimpatso tuloy, at muntik nang bangungutin!”
“Dati-rati, panay namang masasaya ang mga panaginip ko,” sabi ni jack.
Napatingin siya kay Pete, ang kanyang ama. Tahimik itong kumakain, tila nag-iisip nang malalim.

Iniisip ni Pete ang nangyari kahapon. Silang apat ay dumalo sa pagbibinyag ng isang batang Mangyan. Ang pagbibinyag ay ginawa ng isang dayuhang misyonerong Kristiyano, na ilang taon nang nakikipamuhay sa mga katutubo ng bundok, at sa pag-uugali, pananamit at pananalita’y aakalain mong isa na ring Mangyan.
Maraming Mangyan ang dumalo sa binyag, ngunit hindi sila lubos na masaya, kahit pa man umaapaw ang hapag na kawayan sa dami ng pagkaing-gubat na pinag-ambagambagan ng maraming        kamag-anak at kakilala. Ilan sa kanila ang naglakas-loob na magsalaysay ng kanilang mga karanasan nitong nakaraang mga araw.
Isang matandang Mangyan ang huling nagsalita.
“Saan pa po kami pupunta? Itinataboy kami ng mga nagmimina at nagtotroso mula sa aming tinitirhan. Itinataboy kami ng mga nang-aagaw ng lupa mula sa burol. Kami pong mga katutubo ay ipit na ipit na paatras kami nang paatras paakyat sa bundok, at nalalayo kami sa aming pinagkukunan ng ikabubuhay. Para nang bulkang sasabog ang aming mga dibdib sa sama ng loob!”
Nasaksihan nina Pete at Tet at ng dalawa nilang anak ang paghihimagsik ng look at ang pagtulo ng luha ng mga Manyan. Nang umiyak si Ambo ay nangilid din ang luha ng magkapatid.
Si Jack at si Anne, na kapuwa tubong-Amerika ngunit laking-Maynila at nakapaglakbay na sa ibayong dagat, ay dinala sa Mindoro ng kanilang mga magulang upang magkaroon ng “kakaibang karanasan” at “katutubong kaalaman”.
Si Pete ay isang doktor. Si Tet ay isang guro, manunulat at mananaliksik. Ilang taon din silang naglagi at nagpakadalubhasa sa Amerika, bago naisipang umuwi sa Pilipinas upang doon palakihin ang dalawa nilang anak. Nanaig sa kanila ang hangaring makatulong sa anumang paraan para sa kanilang mga kababayan, matapos silang dumalo sa isang “solidarity congress” na idinaos sa San Francisco, California, noong panahon ng Batas Militar, ilang taon na ang nakararaan.
Isang delegasyon ng mga aktibista at mga pinuno ng katutubong Pilipino ang nagbigay ng iba’t ibang uri ng pagtatanghal – mga dula at tula, mga sayaw, mga video ng mga pangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng diktadura, lalo na ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga katutubong Pilipino. Ang karaniwang tawag sa kanila ay “mga minorya”, o “mga taong-bundok”, o kaya’y “mga pagano”.
Naantig ang damdamin ng mag-asawa, at sila’y nagtanong kung paano makatutulong ang mga Pilipino sa ibayong dagat upang mapabuti ang kalagayan ng mga katutubo sa Pilipinas.
“Maaari kayong magpadala ng mga pangkat na magsasagawa ng imbestigasyon sa aming tunay na kalagayan,” wika ng isang kinatawan ng mga Lumad sa Mindanao.
“Maaari kayong sumulat at magsiwalat ng kasamaang dulot ng mga proyektong nakasisira sa kalikasan, at sumasakop sa aming lupaing ninuno,” wika naman ng isang pinuno ng tribung taga-Kordilyera.
“Maaari rin kayong magpadala ng mga manggagamot at mga guro sa aming pook upang bigyan ng lunas ang aming mga karamdaman, at turuan kaming bumasa at sumulat, upang maipaglaban naming ang aming mga karapatan,” payo naman ng isang tagapagsalita ng mga Mangyan.
Ilang buwan pagkatapos nilang dumalo sa kongresong iyon, pabalik na sa Pilipinas ang mag-asawang Pete at Tet, kasama ang kanilang dalawang anak. Sa Maynila na nila papag-aaralin sina Anne at Jack, habang sila’y lalahok sa mga proyektong may kinalaman sa pagtulong sa mga katutubong Pilipino.
Maraming nagtaka kung bakit nagpasiyang umuwi ang mag-asawa, samantalang maaliwalas ang kanilang kinabukasan sa Amerika. At lalo silang nagtaka kung bakit madalas na dumalaw sina Pete at si Tet sa mga katutubo, na nasa malalayong bulubundukin ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Sari-saring palagay at payo ang narinig ng mag-asawa mula sa mga kamag-anak – kabilang na ang kanilang mga magulang – mga kaibigan, at mga dating kamag-aral.
“Bumalik na lang kayo sa Isteyts, alang-alang sa mga anak n’yo! Tutal, sa Amerika kayo nag-aral at nagkaanak, kaya sanay na kayo sa buhay-isteytsayd!”
“Naku, kailangan daw ngayon ang mga doktor at titser sa US, Saudi at Canada! Aplay na kayo! Sabay-sabay na tayong umalis! Wala na yatang pag-asa itong bayan natin!”
“Ano? Medical mission na naman sa mga tribu? Mapagkamalan ka pang isang rebelde, kasi gusto mong tumulong sa mahihirap! Tingnan mo ang nangyari kay Dr. Bobby de la Paz, at Dr. Johnny Escandor!”

Alam ni Pete kung sino ang tinutukoy nila. Mga bayaning doktor na nangasawi habang nanggagamot sa mahihirap sa kanayunan. Pinagbintangan silang mga kasapi ng kilusang rebelde.
“Ano’ng mapapala n’yo sa bundok? Malarya. At ano’ng ibabayad sa iyong paggagamot? Manok, gulay, o kaya’y Diyos-na-lang-po-ang-bahalang-gumanti-sa-inyo!
Kelan mo pa mababawi ang daan-libong ginastos mo sa pag-aaral ng medisina?”
“Ha? Ipinagpalit mo ang pagiging propesor sa UP sa pagtuturo sa mga taong nasa bundok, at wala ka pang suweldo?”
Ngunit nangingiti na lamang ang mag-asawa. Malalim ang pagnanais nilang dumamay sa mga kababayan at kalahi nilang wika nga’y tinalikdan na ng panahon at pinabayaan na ng pamahalaan. sa kaunting panahong nakipamuhay sila sa mga katutubong ito, nagkaroon ng bagong kahulugan ang kanilang buhay bilang manggagamot at guro.
Matuling lumipas ang panahon, at nang malaki-laki na sina Anne at jack, isinasama na sila ng kanilang mga magulang, tuwing bakasyon, sa kanilang medical mission at educational outreach sa iba’t ibang tribu sa Pilipinas. At ngayon ngang taong ito, naisipan ng mag-asawa na bumalik sa Mindoro upang muling dalawin ang kanilang mga kaibigang Mangyan.
Dalawang buwan silang maninirahan sa bayan ng Pinagkamalayan, sa Silangang Mindoro. Ang bayang ito ay nasa mga burol sa paanan ng kabundukang kinaroonan ng matayog na Halcon. Hindi makita halos ang ituktok nito, na tinawag ng mga Mangyan na ‘lagpas-ulap’.
Masigla ang magkapatid habang umaakyat sa kabundukan ang kanilang sasakyan.
Ilang kilometro sa Pinagkamalayan, pataas na ang lupa. Dito nagsisimula ang gubat na laging maulap at maulan. Nasa ilang at liblib na pook na iyon ang Bagong Nayon, na siyang kinaroroonan ng mga Mangyang matagal nang kakilala ng kanilang mga magulang.
Dito rin nila unang nakilala si Ambo. Halos magkasinggulang si Ambo at si Jack. Payat at may kaliitan si Ambo, samantalang si Jack ay mabulas na bata.
“Bakit hindi ka na nag-aaral?” naitanong minsan ni Jack kay Ambo. Si Jack ay nasa ikaanim na baytang ng elementarya sa Maynila.

“Greyd Tu na ako nang kami’y pinalayas sa aming nayon. Malapit kami noon sa iskul.
Dito, kailangan pang maglakad nang napakalayo… kaya tumigil na lang ako… pati ‘yung ibang mga bata, nahinto na rin…”
Malungkot si Ambo tuwing magkukuwento siya.
“Isang araw, may dumating na mga tao, galing sa Maynila. May dala silang… ano ba ‘yun?... papeles yata ang tawag. Magmimina raw sila ng karbon, o kaya’y ginto, sa aming lugar. Sila na nga ang nagpapaalis, sila pa ang galit…”
Marami rin namang tanong si Ambo sa magkapatid.
“Nagtataka ‘yung ibang Mangyan dito. Bakit daw ‘Merkano yata ang mga pangalan n’yo, pati na ang mga magulang n’yo?”
Natawa ang magkapatid.
“Kasi,” paliwanag ni Jack, “sa Amerika kami pareho ipinanganak. Doon nagtapos ng pag-aaral ang mommy at ang daddy…”
“Ang totoo,” wika naman ni Anne, “si Jack ay Santiago at ako’y Anna Maria. Ito ang mga pangalang pinili ng aming lolo’t lola, na may lahi raw Kastila!”
“At ang buong pangalan ng aming mga magulang ay Pedrito at Teresita,” paliwanag ni Anne.
Di malaman ni Ambo kung siya’y mapapatango o mapapailing. Lalo lamang siyang nalito sa paliwanag ng magkapatid.
Ilang linggong nanirahan ang mag-anak sa Bagong Nayon. Masayang-masaya si Jack at si Anne. Marami na silang natututuhan dito, na hindi itinuturo sa paaralan!
Ang kabataan ay mahusay humilis ng katutubong biyolin, at kumalanting ng gitara.
Tumututugtog din sila ng agung kasabay ng matatanda.
Bihasa rin silang humabi ng damit at maglala ng basket. Nakabubuo rin sila ng mga kuwintas mula sa mga butil at manik, at ng mga pulseras, sinturon at iba pang kagamitan mula sa halamang ang tawag ay níto. Marami rin sa kabataan ang sanay magpatunog ng hihip na kawayan, at gumamit ng sibat sa pangangaso. Si Ambo nga raw ay nakapag-uwi na ng isang maliit na baboy-damo!

At itong si Ambo, gayong napakabata, ay may pambihirang galing sa ambahan. Ito’y isang uri ng tula na binibigkas ng mga Mangyan. May iisang tugma o rima, at bawat linya o taludtod ay pito ang pantig. O kaya’y itinititik ito sa buho ng kawayan sa pamamagitan ng pag-ukit, at gumagamit ng sinaunang alpabetong Mangyan.
“Ang gagaling pala nilang tumula, mommy!” sambit ni Jack sa kanyang ina.
“Mayaman ang katutubong kultura, anak, at malungkot isiping baka ito’y tuluyan nang mawala dahil sa pagpasok ng mga dayuhang nais lamang pagkakitaan ang yaman ng lupa…”
Nag-alay si Ambo ng ambahan sa magkapatid. Si Tet ang nagsalin para sa kanila:
Isang araw, isinama ni Ambo si Jack at si Anne sa loob ng gubat. Dala nito ang kanyang sibat, sakali’t makasabat sila ng baboy-damo sa kanilang paglalakad.
Tahimik na tahimik ang gubat, maliban sa huni ng ibon, kaluskos ng dahon, at anas ng banayad na hangin.
Payat man ay malakas at maliksi si Ambo. Si Jack at si Anne pa nga ang patigil-tigil, habol ang paghinga. Natatawa lamang si Ambo, at matiyaga niyang inantay ang mga kaibigan.
Wala silang imikan halos. Ilang oras na silang naglalakad sa gubat. Wala pang natutudla ang sibat ni Ambo. Ngunit siyang-siya naman ang magkapatid sa namamalas nilang tanawin. Anong yamang pala ng gubat sa luntiang halaman, mga ligaw na bulaklak na matingkad ang kulay, maiilap na hayop, at mga ibong umaawit!
Nakarating sila sa isang mabatong gulod. Mula rito’y tanaw nila ang malayong dagat.
Maya-maya’y nagdilim ang langit. Gumuhit ang matalim na kidlat. Nayanig ang bundok sa lakas ng kulog. Bumuhos ang ulan.
Kaibigang dumayo
sa malayo kong kubo
masanay kaya kayo
sa hirap ng buhay ko
walang aliwan dito
kundi awit ng tao
kundi ang pangangaso
kundi kislap sa damo
pagkalipas ng bagyo.

Sumilong ang tatlo sa isang yungib. Doon na sila inabot ng ginaw at gutom. Di naglaon ay humupa ang unos sa bundok.
“Bumalik na tayo,” sabi ni Ambo. “Mukhang sasama pa ang panahon.”
Maingat silang bumaba sa nagputik na dalisdis ng bundok. Nang bigla, nakarinig sila ng ingay, parang hinahawing mga dawag. Papalapit sa kanila ang ingay na iyon.
“Kubli!” anas ni Ambo.
Nagtago sila sa ilalim ng isang nakayungyong, mayabong na pako, sa likod ng matatayog na puno. Nag-antay sila. Inihanda ni Ambo ang kanyang sibat.
“Baka baboy-damo na!” usal ni Jack, na bagama’t nananabik ay nanginginig naman at kinakabahan.
Sa halip, ang lumitaw ay isang pangkat ng mga lalaki at babae. May dalang baril ang mga ito, at may pasang mga knapsack sa likod. Masaya silang nag-uusap, bagama’t mukhang hapo. Ang iba sa kanila ay Mangyan.
“Kilala ko sila,” bulong ni Ambo sa magkapatid.
Hindi sila nagpakita. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Jack at ni Anne nang sila’y muling lumakad.
Pagkaraan ng mga isang oras ng maingat na pagbaba sa kabundukan, sumigaw muli si Ambo.
“Kubli!”
Nagsumiksik sa ilalim ng isang punong ibinuwal ng bagyo. Sa pagitan ng mga nagusling ugat, makikita nila kung anuman iyon na lumilikha ng mga nag-usling ugat, makikita nila kung anuman iyon na lumilikha ng bagong ingay. Papalakas ang mga yabag at mga tinig. Lumitaw mula sa makapal na dawag at kakayuhan ang isang pangkat ng kalalakihan.
Nakasuot sila ng unipormeng batik-batik at kulay-berde, nakagora ng itim, at sandatahan. Nakapulupot sa kanilang katawan ang tila ahas na lalagyan ng kanilang mga bala. Mabalasik ang kanilang anyo, palinga-lingang anaki’y may hinahanap o tinutugis na kaaway o tulisan.

Parang pinitpit na luya ang tatlong bata. Wala silang katinag-tinag. At wala silang imikan nang magpatuloy sila sa pagbaba ng bundok.
Lumakas uli ang ulan. Sala-salabat ang kidlat. Dumagundong ang kulog. Sa pagitan ng malalakas na kulog ay parang may narinig silang sunod-sunod na maliliit na kulog sa di-kalayuan. Mga putok ng sandata.
Matuling lumipas ang dalawang buwan, at natapos ang bakasyon ng magkapatid.
Malungkot silang nagpaalam sa mga taga-Bagong Nayon, lalo na kay Ambo.
Babalik kami sa isang tao, pangako ‘yan!” sabi ni Anne.
“Aakyat uli tayo sa bundok!” nakatawang sabi ni Jack.
“Kung… narito pa kami…,” mahinang tugon ni Ambo.
Nagkaroon ng simpleng seremonya ang Bagong Nayon bilang pasasalamat kina Pete at Tet sa kanilang pagtulong. Maraming nagamot si Pete. Marami rin siyang natutuhan tungkol sa mga likas na panlunas na matatagpuan sa kagubatan. Marami namang naturuan si Tet sa pagsulat at pagbasa. Marami rin siyang natutuhang mga ambahan, awit at mga alamat mula sa mga kaibigang Mangyan.
“Dapat din kaming magpasalamat sa inyo,” tugon ng mag-asawa sa kanilang pamamaalam. “Marami kaming natutuhan sa inyong lahat, at maging ang dalawa naming anak ay namulat sa napakaraming kaalaman ng mga katutubo!”
Bago sila umalis, bumigkas uli si Ambo ng isang ambahan para sa kanila:
Paalam, kaibigan
salamat sa pagdalaw
sana’y di malimutan
malayong kabundukan
ay laging naghihintay
nananabik ang buhay
sa ating katuwaan
hindi ito paalam
masayang paglalakbay!

Saturday, September 5, 2015

Isang Dosenang klase ng high school students. Saan ka nabibilang? —Bob Ong


Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.
CLOWNS – Ang official kenkoy ng class. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magigigng matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskuwela araw- araw.
GEEKS – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute yung value ng X sa Y.
HOLLOW MAN – May dalawang uri ang H.M virus, ang type A at type B. Ang type A ay ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.
SPICE GIRLS – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush, at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
DA GWAPINGS – Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
CELEBRITIES – Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR, pero mababang IQ.
GUINESS – Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay, kahit na laging mali ang sagot.
LEATHER GOODS – mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
WEIRDOS – Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teachers’ enemy.
MGA ANAK NI RIZAL – Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities, at gimmicks.
BOB ONGS – Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto yung estudyanteng habang nagle-lecture yung teacher e pinaplano na yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates nya.
COMMONERS – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.
Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit. Posible ring hindi lahat ng uri ng estudyante ay makikita sa iisang klase.
-Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo)

ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT (Hango sa mito ng Hiligaynon at Waray, at muling isinalaysay ni Roberto T. Añonuevo)


Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya ako nang napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na inyong tinitingala tuwing gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin?
Mahahaba’t mala-sutla ang buhok kong itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugma lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
Kaya sinikap ng aking matipuno’t makapangyarihang kabiyak na dalhin ako roon sa pook na walang humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong marinig ang saluysoy ng tubig, na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkit na awit. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. “Alunsina,” aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinambit.
At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit ng aming dibdib kapag kami’y nagniniig.
Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong kalawakan.
Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at tubig. Samantala’y malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan.
Bagaman inaaliw ko ang sarili sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa aming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalaki naming bahay.
Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mababangong buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita ko’y hindi ang sarili kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.
Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking kabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip ng hangin. O kung paano mapasisiklab ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paano gagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling nang mabilis ang mga pananim.
Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking mahal. “Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit.
Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal. Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung anu-anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot ang noo, at tila laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman niya ang aking mga palad . “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang lahat ay wala ka nang hahanapin pa!” At malimit nagbabalik lamang siya kapag malalim na ang gabi.
Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapakagat- labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban. Dumating ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalaga akong gawaing kailangang matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayin ngayong gabi’t maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . .” May bahid ng pagmamadali ang tinig ng aking minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nang mamuo sa aking kalooban ang matinding paninibugho sa kaniyang ginagawa. Umalis nga si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.
Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo sa panig naming dalawa.
“Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina?” asik ni Tungkung Langit sa akin. “Ang ginagawa ko’y para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig ng mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang paglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari, inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako palabas sa aming tahanan.
Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang bathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad din ako nang kami’y maghiwalay.
Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna ng magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling marinig ang aking malambing na tinig; inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi. Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato ang buong paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti sa aming bahay. Lumungkot nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang ulo. “Mabuti naman,” sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit na magpahalaga sa kahit na munting bagay.”
Umaalingawngaw ang tinig ni Tungkung Langit at inaamo ako rito sa aking bagong pinaghihimpilan upang ako’y magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa kaniya. Kahit malawak ang puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi.
Oo, nadarama ko ang kaniyang pighati. Lumipas ang panahon at patuloy niya akong hinanap. Ngunit nanatili siyang bigo.
Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang dinamdam. Nagdulot din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap.
Akala niya’y maaakit ako sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang lumikha ng malalawak na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig si Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hindi gayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.
Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig kong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang piling.
Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa, kinuha niya sa dati naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga alahas sa kalawakan upang masilayan ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay; naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbalik sa kaniyang piling.
Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin dati roon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May panahong tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka kung bakit umuulan. Ang mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na supling.

The Origin of the World - Maranao version

from the Anthology of Philippine Myths by Damiana L. Eugenio


According to Maranaw folklore, this world was created by a great Being. It is not known, however, who exactly is this great Being. Or how many days it took him to create this world.

This world is divided into seven layers. The earth has also seven layers. Each layer is inhabited by a different kind of being. The uppermost layer, for example, is the place we
are inhabiting. The second layer is being inhabited by dwarfs. These dwarfs are short, plump, and long-haired. They are locally known as Karibanga. The Karibanga are said to
possess magical powers. They are usually invisible to the human eye. The third layer of the earth which is found under the sea or lake is inhabited by nymphs. These nymphs also possess certain magical powers. It is stated in the story of Rajah Indarapatra that he met and fell in love with the princessnymph with whom he had a child.

The sky also consists of seven layers. Each layer has a door which is guarded
day and night by huge mythical birds called garoda. The seventh layer of the sky is the seat of heaven which is also divided into seven layers. Every layer in the sky is inhabited by angels. Maranaws believe that angels do not need food. They all possess wings with which they fly.

Heaven which is found on the seventh layer of the sky is where good people‘s spirits go after death. Saints are assigned to the seventh layer while persons who―barely made it‖ are confined to the lower most layer which is found at the bottom of heaven.

It is in heaven where we find the tree-of-life. On each leaf of the tree-of-life is written the name of every person living on earth. As soon as a leaf ripens or dries and falls, the person whose name it carries also dies.

The soul of every person is found in tightly covered jars kept in one section of heaven. This
particular section of heaven is closely guarded by a monster with a thousand eyes, named Walo. Walo, in addition to his thousand eyes, has also eight hairy heads. The epic Darangan speaks of Madale, Bantugan‘s brother and, Mabaning, Husband of Lawanen, entering this section and retrieving the soul of Bantugan.




THE FIRST MONKEY - tagalog, iloko and maranao version

THE FIRST MONKEY
(Tagalog version)

There was a boy named Juan who was very lazy. He found it difficult to do even the simplest things, and he especially hated getting up in the morning. His mother did not know what to do with such an insensitive child. She knew she was spoiling him, but she did not know what else to do with him, as he was her beloved only child.

Juan’s mother did not know the limits of her own tolerance. One day, Juan was playing outside the house, and she called him in for a very simple task. "Juan!" she called out. "Come in here and find the ladle for me!"

"I’m coming, Mother!" Juan cried, but he did not bestir himself to even walk two paces toward the house.

After a while Juan’s mother grew suspicious, and when she saw that the boy was not obeying her, she dragged him into the house. "You find that ladle! I want you to hand it over to me by the time I get back from the marketplace!" Then she stormed off, leaving the lazy little boy to make or break his fate.

Juan did not try to find the ladle. He found instead a large wooden spoon that was too shallow for anyone to use as a good ladle. He said to himself, "This will have to do." He played again until his mother came home, and then he gave her the spoon, saying "I can’t find the ladle, Mother. I’m too lazy. This spoon will have to do!"

"Ooh, you tardy brat!" his mother cried, and she proceeded to beat Juan with his "makeshift ladle". Juan became so frightened that he ran out of the house. Ah, but Juan’s mother would not let him go scot-free! She threw the spoon at him, and it stuck to the base of his spine like a tail, to his mother’s surprise. Then, instead of running any further, Juan swiftly climbed a tree to escape his mother’s fury. Juan’s mother strode to the tree and cried out to her naughty child:

"Come down from there! I still have to punish you!"

But Juan did not make any more complaints, or excuses. Only harsh chirping sounds came from his throat. Hair had grown all over his little body and he could no longer speak a word. Juan had become the very first monkey! Apparently, Juan’s mother did not have to punish him. He had already brought the greatest punishment upon himself.

THE FIRST MONKEY 
(Iloko version)
Once there lived an old woman and her grandson in a hut. The old woman worked hard to feed her grandson and herself but her grandson was a lazy boy. He did not help her in her work and took her money and spent it all on his friends. 

One day, he came home hungry. "Where is my food?" he demanded. Alas! The food was not ready. He became angry and finding coconuts lying on the ground, threw them at his grandmother. "Food! Food! Food!" he chanted stamping his foot.

The good behavior fairy was passing by. "I'll teach this boy manner!" she thought. She waved her magic wand and whoosh . . . the boy turned into a furry animal with a long tail. When his friends saw him they threw stones at him. Lo! They too turned into animals. The people drove them out of the town.

The boy and his friends then began living on trees and came to be known as monkeys.

THE FIRST MONKEY 
(Maranao Version)

Long ago in a thick forest, a young girl lived under the care of the goddess of weaving. Here she lived happily and without care, for everything that she wanted to eat was provided for her by her patroness.

One day the goddess said to the girl, "Take this cotton, clean it, and make out a dress for yourself out of it." Now, the girl knew nothing about making cloth and weaving it, so she said to the goddess, "When the cotton is cleaned, is it ready for use?" "No," answered the guardian, "after it is cleaned, it must be beaten."

"Well, after it is beaten, is it ready for use?" said the lazy girl. The goddess said that before it could be used, it would have to be spun. "Well, after it is spun, " persisted the saucy maiden, "is it ready for use?"

"No, it must next be woven into cloth, cut, and sewn," answered the patient goddess.

"Oh!" said, the girl, "it will take a long time and much hard work to make clothes that way. This leather hide which you have given me to beat the cotton on, will make me better clothing, because it will wear longer." So she covered herself with the leather. The goddess was so angry at the girl for her laziness that she decided that the leather should not only be her dress but also her very skin. Then the goddess took the stick for beating the cotton and thrusting it between the maiden's buttocks said to her, "This stick will become part of your body, and you will use it for climbing purposes. As a penalty for laziness, henceforth you shall live in trees in the forest, and there you will find your fruit."

Thus, that's how originated the first monkey with a coat of leather and a tail.


Wednesday, August 19, 2015

Pangngalan

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.

Pagkahati-hati ng pangngalan

Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.

Ayon sa Gamit

Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
  • Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal
                           Halimbawa: tubig,bundokpagkain
  • Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal.                    
                           Halimbawa: wika, yaman, buhay
  • Lansak- pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.                            
                           Halimbawa: madla, sangkatauhankapuluan
  • Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. 
                          Halimbawa: kaisipansalawikain, katapangan
  • Patalinghaga - pangngalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. 
                          Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan                                                      (imbis na kasalaulaan) tanga(imbis na mangmang)
  • Denominasyon - pangngalang hango at lansak.
                         Halimbawa: blocke, pulutong

Ayon sa kasarian

Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
  • Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw), atbp.
  • Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop), sirena, atbp.
  • Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki - magulang,pinsan, bata, kaibigan, atbp.
  • Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay - bagay, laruan, mesa, sasakyan,manika, atbp.

Ayon sa kailanan

Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
  • Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sini, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at angng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang o sangsam, at son na mga hangong salita nito. 
                            Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
  • Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sinaninakina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. 
                            Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
  • Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han".
                            Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan
Tuwiran (ang)Hindi tuwiran (ng)Pahilig (sa)
Karaniwang isahanang, 'yung (iyong)ng, n'ung (niyong)sa
Karaniwang pangmaramihangang mgá, 'yung mgá (iyong mgá)ng mgá, n'ung mgá (niyong mgá)sa mgá
Personal na isahansinikay
Personal na pangmaramihangsinaninakina

Common Noun Affixes

ka-indicating a companion or colleague
ka- -ancollective or abstract noun
pan-denoting instrumental use of the noun

Ayon sa kalikasan

Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.
  • Likas - pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango sa kalikasan.                                         Halimbawa: apoylindol, ligaya
  • Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito.                                         Halimbawa: aghamtalatinigansining
  •  Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga.                                                         Halimbawa: demokrasyarelihiyon, butones

Ayon sa lapi

Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.
  • Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. 
                   Halimbawa: talumpatiwatawat, ligalig
  • Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. 
                   Halimbawa: siniganginihaw, tindahanpalakasan
  • Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. 
                   Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
  • Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. 
                   Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay, bukas-palad

Ayon sa katungkulan

Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:
  • Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. 
                Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute, dalagang anak, baboy-ramo
  • Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". 
                Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga sa bayan.
  • Pangngalang malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" 
                Halimbawa: Ano ang dala (dinala) mo? Ang dala ko ay...
  • Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi.               Halimbawa: Nilalagnat sa hapon ang may tuberkulosis.