Wednesday, August 19, 2015

Panghalip

Panghalip

Ang panghalip (pronoun in english) ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".

Mga uri ng panghalip

Ayon sa Tagalog Lang, mayroong limang uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng panghalip ang panghalip na panao, (ii) panghalip na pamatlig, (iii) panghalip na pananong, (iv) panghalip na panaklaw, at (v) ang panghalip na pamatlig.[1]

Panghalip na panao
- ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. 
                  Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me)koakin                         (mine)aminkami (we)kayoatin , inyokitakatamo (you)siya                                           (he/she)kanila (theirs), at kanya (hers/his).

Panghalip na pananong - ang panghalip na pananong (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun

                  Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what),                       anu-anosinosinu-sinoninoalin, at alin-alin.

Panghalip na panaklaw - ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. 

                  Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang sumusunod:                                           lahatmadlasinumanalinmananuman, at pawang.

Panghalip na pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton. 
                  Halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon, nito, niyan,                   niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at naroon. 

No comments:

Post a Comment